My Store
LANA DE SAN BENITO
LANA DE SAN BENITO
Couldn't load pickup availability
“Lana de San Benito – Proteksyon para sa mga Nagbubuntis at pampasuwerte sa negosyo”
Ang Lana de San Benito ay isang espesyal na langis na binasbasan at kinonsagra upang magbigay ng proteksyon para sa mga nagdadalang-tao. Kilala ito sa kakayahang magtaboy ng masasamang elemento, lalo na ang mga “aswang”, na maaaring magdulot ng panganib sa bata sa sinapupunan. Kapag inihaplas ang langis na ito, nagsisilbi itong “Sabulag”, na hindi maamoy o makita ng mga elemento o aswang ang bata.
Ang Lana ay kumukulo sa presensya ng mga masasamang elemento, nagbibigay babala at proteksyon sa ina at sa sanggol. Ito ay sinamahan pa ng mga natural na sangkap tulad ng Salindogok, Tawas Tapol, Bato Balison, at Diamante Negra, na lahat ay kilala sa kanilang bisa laban sa negatibong enerhiya at espiritwal na panganib.
Para sa kabuuang proteksyon, ang San Benito o “St. Benedict” ay kasama rin bilang simbolo ng lakas at kaligtasan.
Maari ding gamitin ang Lana de San Benito bilang pampasuwerte at pampalakas ng Negosyo. Kung sapalagay niyo minamalas na ang Negosyo o trabaho. Ilagay laman sa altar ang Lana De San Benito makakatulong ito upang lumapit ang mga positibong enerhiya na magbubugay suwerte sa Negosyo at itataboy nito ang mga negatibong presenysa.
Share


