My Store
Pangil Ng Baboy Ramo
Pangil Ng Baboy Ramo
Couldn't load pickup availability
“Pangil ng Baboy Ramo at Gabay Medalyon (Limited Edition) – Natatanging kalasag na may Pinakamalakas na Proteksyon”
Ang Pangil ng Baboy Ramo at Gabay Medalyon ay isa sa pinakamahirap at bihirang makuha, taglay nito ang pinagsamang lakas at proteksyon mula sa pangil ng baboy ramo at ang buong bisa ng Gabay Medalyon. Ang pangil ay kilala sa pagbibigay ng lakas sa katawan at kapangyarihang madama agad ang mga masamang enerhiya sa paligid, kasama na ang mga espiritu at elemento. Nagbibigay din ito ng proteksyon laban sa palipad hangin, usog, at tigalpo.
Dinagdagan pa ng “Apat na Mutya” (Mutya ng Kidlat, Mutya ng Kulog, Mutya ng Dalogdog, at Mutya ng Linta), nagbibigay ito ng pinakamataas na anyo ng espiritwal at pisikal na proteksyon. Dahil sa dami ng mga bihirang sangkap na kasama, ang gamit na ito ay inilaan lamang para sa mga seryosong tagasunod ng lihim na karunungan.
Mga Sangkap: Diamante Negra, Mutya ng Bayuko, Hibla ng Salsagan, Makalansing, at Apat na Mutya.
Ang Pangil ng Baboy Ramo at Gabay Medalyon ay limitado lamang at bihirang makuha, ginagawa itong isang mahalagang piraso ng proteksyon at espiritwal na sandata.
Share
